Kailangan nating bumangon
Kailangan nating umahon
Marami na ang naghihintay
Lumakad tayo ng sabay-sabay
Ilan na ang mga bagong bayani
Na dapat nating ipagbunyi
Panahon na para tayo’y kumilos
Tayo’y gagabayan ng Diyos
Kaibigan, kaya natin ito
Kaya natin ito, sama-sama tayo
Ating kapwa’y tulungan, `wag natin pabayaan
`Di tayo susuko, tayo ay Pilipino
At kahit na anong pagsubok sa atin ay dumating
Basta’t magkaisa tayo, kaya natin ito
Kaya natin ito, sama-sama tayo
Ating kapwa’y tulungan wag natin pabayaan –
`Di tayo susuko, tayo ay Pilipino
At kahit na anong bagyo sa atin ay dumating
Basta’t magkaisa tayo kaya natin ito
Sino pa ang aasahan
Kundi tayo-tayo rin
Gamitin natin ang pagkakataon
Upang tayo’y magtipon-tipon
Bayan natin ay isulong
Kaya natin ito, sama-sama tayo
Ating kapwa’y tulungan, `wag natin pabayaan
`Di tayo susuko, tayo ay Pilipino
At kahit na anong pagsubok sa atin ay dumating
Basta’t magkaisa tayo, kaya natin ito
Kaya natin ito, sama-sama tayo
Ating kapwa’y tulungan, `wag natin pabayaan
`Di tayo susuko, tayo ay Pilipino
At kahit na anong bagyo sa atin ay dumating
Basta’t magkaisa tayo, kaya natin ito
Kaya natin ito, kaya natin ito
Kayang-kaya ng bawat Pilipino.