Napakahalaga ng natatanging papel na gagampanan ng Karilagan Singers, isang grupo ng mga Pinoy na mang-aawit sa darating na beatification ni Pope John Paul II sa Mayo 1 sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Roma makaraang mapili itong umawit sa pagbubukas ng programa. Dalawang choir lamang ang piniling magiging parte ng nasabing pagdiriwang, ang mga Pilipino at ang Polish choir.
Bago ang mismong araw ng beatification ng namayapang Santo Papa ay pinili ng Vicariato ng Roma na umawit sa pagbubukas ng programa sa Abril 30 sa Circo Massimo ang Karilagan choir na nakabase dito sa Roma. Aawitin ng kilala at batikang choir ang 'Aba Ginoong Maria' at 'One More Gift' na puspusan din namang ang paghahanda sa nasabing okasyon.
http://www.akoaypilipino.eu/italya/karilagan-choir-napili-sa-pagdiriwang-ng-beatification-ni-pope-john-paul-ii