Sa isang pagdinig sa Senado, nagkakaisang kinumpirma ng mga samahan ng mga nurse sa bansa: Marami sa kanilang mga miyembro ang nagbabayad sa mga ospital, para lang magkaroon ng work experience at certificate. Ang tawag dito: volunteerism-for-a-fee.
"Marami na kaming mga nurse volunteers, dalawang taon nang nagvo-volunteer. Oh my God, dalawang taon siyang nagbabayad, paiba-iba ng ospital," reklamo ni Alvin Cloyd Dakis ng Alliance of Young Nurse Leaders and Advocates International. Ang problema, walang gustong magreklamo at tumestigo.
"It also benefits the nurse kasi what they are interested in is to get a work certification which can be used for local employment or for abroad," sabi naman ni Dr. Teresita Barcelo, presidente ng Philippine Nurses Association.
Inamin naman ng kinatawan ng Philippine Hospitals Association, may mga ospital na nangongolekta ng bayad mula sa mga bagong nurse. Kapalit daw naman nito ang pagsasanay sa mga bagong graduate na karamihan ay walang sapat na kaalaman o karanasan. "Nobody is twisting anybody's arm in participating in this program," giit naman ni Dr. Hermogenes Garin, vice president ng Philippine Hospitals Association.
Natumbok sa pagdinig ang ugat ng ganitong klaseng pang-aabuso sa mga bagong nurse: Sobrang dami na ng mga nurse sa bansa at hindi sapat ang trabaho. Hindi pa man nakakahanap ng trabaho dito o sa abroad ang mahigit 100,000 nurse, madadagdagan pa ng 40,000 ngayong taon.
Pinag-aaralan naman ng mga senador ang panukalang limitahan ang bilang ng mga nursing student sa bawat paaralan.
http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/01/11/11/only-philippines-nurses-paying-work