26 September 2010

MAGHINTAY KA LAMANG

by: Ted Ito

Kung hindi ngayon ang panahon, na para sa iyo
Huwag maiinip, dahil ganyan ang buhay sa mundo
Huwag mawawalan ng pag-asa,
darating din ang ligaya
Ang isipin mo'y may bukas pa na may roong saya

Kabigua'y hindi hadlang, upang tumakas ka
Huwag kang iiwas, pag-nabibigo
Dapat nga lumaban ka ...

Ang kailangan mo'y, tibay ng loob
Kung mayrong pag-subok man
Ang liwanag ay di magtatagal,
At muling mamamasdan
Iko't ng mundo, ay hindi laging pighati't kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtam,
Basta't maghintay ka lamang.